Posted by Karlo.PinoyBlogero on June 13th, 2007

Hindi ako makagawa ng post ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Nagtagalog na nga lang ako kasi kahit simpleng post lang tulad nito hindi ko pa ma-english.

Nasobrahan ata ako sa Sproke…

Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng aking mga readers. Sa lahat ng naghihintay ng panibagong article. Nakapagpromise pa naman ako na 3-day event ang celebration ng PinoyBlogero launch.

Actually, may mga articles na ako. Kaso puro half-baked, ung iba sa kanila hindi pa edited. Pag dating kasi sa paggawa ng articles, hindi pupuwede sa akin ang basta-basta nalang na article. Kaya eto, wala munang article for the day.

Ewan ko ba. Para bang sinusumpong na naman ako ng Writer’s block. Marami na akong ginawa para lang matanggal itong block na ito, pero ayaw parin matanggal. Ginamitan ko na ng panghilod, ayaw parin.

Kaya imbes na gumawa ng article, eto ako ngayon, naghahanap ng panibagong wordpress theme para sa aking blog. Marami kasi ang nagsasabi na masyadong simpleng tignan blog ko kaya nagpasya akong palitan ito. Tama nga naman sila. Masyado akong nagconcentrate sa paggawa ng mga high quality articles, nakalimutan ko tuloy ayusin ang design ng aking blog.

Bakit ngayon pa ako magpapalit ng theme kung kailan nai-launch na ang blog ko? Pasensya na. Oo, alam ko medyo late na, sadyang bangag lang talaga ako.

Siguro by tomorrow meju ok na ako. Babawi nalang ako bukas. Yung 3-day event, magiging 2-day event nalang. Maraming salamat sa pagdaan at sana ipagpatuloy nyo parin ang pagtangkilik sa blog ko kahit hindi ako nakapagpost ngayong araw na ito.

6 Responses to “Can’t Post - 3 day Event Postponed”

Pages: [2] 1 » Show All

  1. 6
    PinoyBlogero.com » Look for an Inspiration - Breaking the Writer's Block Says:

    [...] had a mild writer’s block in looking for an idea to write about. What I did was I thought of my own experience in having and overcoming my own writer’s block. From this experience, all the ideas started [...]

Pages: [2] 1 » Show All

Leave a Reply