Posted by Karlo.PinoyBlogero on March 6th, 2008

Ang sulatin na ito ay layunin na makatulong sa mga estudyante na naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga iba’t-ibang aralin tulad ng Pabula at iba pang uri ng panitikan.

Pabula: In English, “To Bubble”

Kahapon, habang ako ay nageenjoy sa aking paginomng starbuko kape. Tinanong ako ng aking pamangkin kung meron daw akong alam na Pabula. Ako’y biglang napatanong, “Pabula? Yun ba yung ‘to bubble’ sa English?”

Aking ipinaliwanag na wala na akong natatandaan na mga Halimbawa ng Pabula. Ni hindi ko nga alam kung ano ang iibig sabihin ng salitang ito e.

Dahil sa todong pagmamakaawa ng aking pamangkin, wala akong nagawa kundi tulungan sya sa kanyang paghahanap ng mga Halimbawa ng Pabula.

.Halimbawa ng Pabula

Pero bago ang lahat ano ba ang ibig sabihin ng Pabula?

Ano ang Pabula?

Ayon sa Wikipedia, ang pabula ay…

isang uri ng panitikan na ang mga karakter ay mga hayop o mga bagay na walang buhay. Ang pabula ay may natatanging kaisipan at nagbibigay ng moral na aral.

Dahil dito, bigla ko ng naalala ang mga napagaralan ko tungkol sa Pabula! Yung mga kwento ni Tagpi at Muning! Yung kwento nung unggoy saka nung pagong! It’s all coming back to me now!

Dahil sa ako’y natuwa sa paghahanap, nilagay ko na rin ang mga Halimbawa ng Pabula na nahanap ko dito sa aking munting blog.

Mga Halimbawa ng Pabula

Itong unang halimbawa ng Pabula ay kinuha at isina tagalog mula sa Pabula ni Aesop o “Aesop’s Fables”

ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

O diba! May napulot pa tayong aral sa Pabula na ito!

Sana ay nakatulong ito sa inyo!

Marami pa akong ilalagay na pabula dito kaya siguraduhin nyo lang na bumalik kayo, ok?

 

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

7 Responses to “Halimbawa Ng Pabula”

Pages: [2] 1 » Show All

  1. 7
    nic Says:

    pls post a pabula about sa pagkasira at pangangalaga ng kapaligiran, pati po moral lesson. ty po!!!!

  2. 6
    haseo Says:

    as in nakagawa
    poh tnx

Pages: [2] 1 » Show All

Leave a Reply