Just a quick post to greet every dad in the world a Happy Father’s Day!
And also to show my appreciation and admiration to the dad that has shaped me to who I am now. My dad.

Ngayon alam nyo na kung san ko nakuha kagwapuhan ko.
Updated:
Hindi. Hindi pwede. Hindi ako satisfied sa una kong ginawa. Masyadong maikli para sa isang paggunita sa isang espesyal na araw. Shame on you, Karlo.
Ako ay humihingi ng paumanhin.  Marami kasi akong ginagawa na final project ngayon kaya maikli lang yung post na nagawa ko kanina. Pero mukhang nagalit ang konsensya ko at pinilit nya akong bumalik sa computer shop na nirerentahan ko para lang gumawa ng mas mahaba haba ng article.
Ano nga ba ang meron sa fathers day? Bakit ba natin ito kailangan icelebrate? Porket ba may mothers day kailangan may fathers day din? Oo, alam ko walang kwenta yung tanong ko kasi ito ay ang mga araw na binigay sa kanila bilang ganti sa kanilang kagitingan.
Kaya ko lang naman natanong yung mga bagay na iyon ay dahil sa nahirapan lang ako na gumawa ng article tungkol sa fathers day.
Iba kasi kapag mothers day. Madali lang magcelebrate nito dahil madaling sabihan ang nanay ng mga words na “i love you, mom”, o kaya “happy mothers day, mama” sabay kiss.
Pag fathers day mahirap. Mas lalo na kung lalaki ka. Oo mahal mo ang tatay mo pero hindi na kailangang ipakita at ipagkalat pa iyon. Sa father-son relationship hindi mo na kailangan pang magsalita. Bawal ang mushy stuffs. Isa itong unwritten rule na alam na ng both parties simula pa pagkasilang nila.
Pero kahit na ganon. Gusto ko naring gamitin ang pagkakataon nito para makapagpasalamat sa aking ama na nagtratrabaho ngayon sa malayong lugar para lang may maipagastos ako na pang-internet at pangkain sa pangaraw-araw. Salamat dahil kahit na pasaway po ang anak nyo, ay inintindi nyo parin ako.
Salamat sa po talaga sa lahat. Bayaan nyo po, pag nakatapos na po ako sa pagaaral ay aakuin ko ang lahat ng responsibilidad bilang miyembro ng ating pamilya. Pipilitin kong kumita ng pera para naman hindi mo na kailangan magtrabaho pa.
Para maabot ko ang mga iyon, naisipan kong maging professional blogger. Ay, hindi pala. Baka himatayin kayo. Succesful engineer nalang… na blogger. hehe.
Ok. Ngayon nasabi ko na ang lahat ng iyon, balik uli tayo sa pagsunod dun sa unwritten rule.
Happy Father’s day!






September 7th, 2008 at 2:00 am
lmszoq
September 5th, 2008 at 6:32 am
qejma
August 14th, 2008 at 7:00 pm
doxgvlc
August 8th, 2008 at 6:08 am
evozf lhxu amuft
August 6th, 2008 at 4:26 pm
voktdpr fvsitor