Announcer: Live from New Your Cubao! Welcome to the Late Nite with PinoyBlogero!
*Intro Music*
*Applause *
PinoyBlogero: Thank you very much! We have a very very special guest here tonight. He is a seasoned blogger hailing from the province of Taytay, Rizal. A Proud Filipino and the one behind the blog called PinoyBlogero. Ladies and gentlemen, please welcome Karlo Licudine.
*Applause*
PinoyBlogero: Welcome to the Late Nite.
Karlo: Thank you.

“Ops, tingin muna ako sa camera. Pa-gwapo”
PinoyBlogero: First of all, congratulations on your launch. I have witnessed what your blog has been through in its first week and I am impressed that you managed to get out of all those mess alive.
Karlo: Hahaha. Yes, it was the first week that was hectic. On second thought, the whole month of preparation was a living hell for me.
PinoyBlogero: Now that you’re blog has officially launched, has it taken a lot of load off your shoulders?
Karlo: No, it hasn’t. As a matter of fact, work kept on piling up with every passing day. I still need to promote my blog. I still need to network with other bloggers. And I still need to come up with more quality posts if I wanted to pull in more readers. I still have a long way to go if ever I want to be on top of the charts.
PinoyBlogero: So you really are aiming for the top.
Karlo: Yeah. Isn’t that the dream of every blogger?
PinoyBlogero: Is it?
Karlo: Let us put it this way, what’s the point of having a ladder ifyou’re not going to use it.
PinoyBlogero: Uhmm… Lalim non pre, a.
Karlo: Pasensya na, nahihirapan kasi ako magenglish e.
PinoyBlogero: Hahaha… Ok lang yan. Ako rin e.
Karlo: Mas nadadalian kasi ako magenglish kapag nagsusulat.
PinoyBlogero: Oo nga. Anyways, sige tagalog nalang tayo. Tutal, Independence day naman.
Karlo: Sige. Hahaha. Thank God it’s independence day.
PinoyBlogero: Nasan na uli tayo?
Karlo: Hindi ko rin alam e. Nakalimutan ko na.
PinoyBlogero: Yung tungkol ata sa ladder.
Karlo: Ay oo nga pala, hehe.
PinoyBlogero: Pero promise, ang lalim talga non.
Karlo: Hahaha. Hindi ko nga alam kung ano yung sinabi ko. Kunwari intellectual ang dating.
PinoyBlogero: Hahaha!
Karlo: Hahaha!
PinoyBlogero: Anyways, bakit nga pala PinoyBlogero ang naisip mong pangalan ng blog mo?
Karlo: Sobrang nahirapan kasi ako magisip ng pangalan for my blog. Gusto ko kasi yung tipong pampinoy ang dating. Gusto ko pati ung unique. Hindi ko na nga matandaan kung pano ko nakuha yung word na blogero e. Basta bigla nalang pumasok sa isip ko. So ayun, nakita ko naman na wala pang taong nakakaisip ng katagang iyon kaya naman nauwi ako sa PinoyBlogero.
PinoyBlogero: Para ngang pangkastila ang dating e.
Karlo: Oo nga, kaya ko nga nilagyan ng “Pinoy”. Kasi baka pag “Blogero” lang, baka isipin nila Mexicano ako. Hehehe.
PinoyBlogero: Alam na natin lahat na ang blog mo ay tungkol sa blogging at sa Pinoy blogging community. Bakit ito ang napili mong topic?
Karlo: Noong baguhan pa ako sa blogging, gusto ko nang gumawa ng blog tungkol sa mga Pinoy. Kaso, akala ko ay hindi ito mag-cli-click kaya gumawa nalang ako ng personal blog like the rest. Ngayong meju experienced na ako sa blogging, nalaman ko na maganda palang targetin ang mga Pinoy, ayun ay kung alam mo kung ano ang kikilitiin sa kanila. Mula sa aking pananaliksik, nakita ko na hindi masyadong natututukan ang Pinoy blogosphere, kaya hindi ako nagaksaya ng oras at tinackle ko agad ito.
PinoyBlogero: E, bakit pati blogging tinackle mo rin?
Karlo: Mahilig kasi akong magbigay ng tips mas lalo na pagdating sa blogging. Lahat siguro ng downs ng blogging naranasan ko na (ay hindi naman pala lahat, halos lahat lang), kaya gusto ko rin ipamahagi sa aking fellow bloggers ang natutunan ko. Besides, almost hand in hand naman ang blogging e.
PinoyBlogero: O, may pa hand-in-hand ka pa e. Kala ko ba walang englishan?
Karlo: Sorry, hehe.
PinoyBlogero: Dapat purong tagalog, hehe. Keep in mind, independence day.
Karlo: Ikaw rin e! Sabi mo, keep in mind!
PinoyBlogero: Oy, hindi a! Baka guniguni mo lang yon.
Karlo: Ganon ba? Inaantok na kasi ako e. Bakit ba kasi gabi pinapalabas ang show na ito?
PinoyBlogero: Tongeks ka ba!? Kaya nga Late Nite e!
Karlo: Hehehe. Sorry, sorry.
PinoyBlogero: Ok, back to the topic. Maraming nagtatanong kung ikaw ba ang gumagawa ng mga drawings sa site mo. Ikaw nga ba talaga?
Karlo: Oo. Lahat ng mga artworks na makikita nyo dyan, gawa ko. Para narin yang brand ng blog ko, yung tipong may mga drawings. Pag nilagyan mo kasi ng brand yung blog mo, madali kang maalala ng mga pipol. Maganda yang way para madali mong maipromote ang blog mo.
PinoyBlogero: Alam mo ba, ang sakit lagi ng panga ko. Lagi kasi ako nakangiti e. Bakit mo ba ako dinrawing ng ganito?
Karlo: Ayaw mo non, happy ka lagi?
PinoyBlogero: Hindi ko man lang mapakita na malungkot ako. Mahirap pag lagi kang nakangiti.
Karlo: Ano ka ba? Para hindi ka masyadong tumanda.
PinoyBlogero: Ganon ba yon?
Karlo: Oo. Maniwala ka sa akin.
PinoyBlogero: Sabi mo e. Anyways, ngayong official na ang paglaunch ng PinoyBlogero, ano na ang pwede naming i-expect in the future?
Karlo: Hmm… Actually marami e. Pero baka mas magconcentrate ako na gumawa ng mga articles na focused more on the Pinoy blogging community. Marami ng sites tungkol sa blogging, sa pinoy blogosphere halos mabibilang mo lang. Pati napansin ko na mas patok ang mga articles ko na tungkol sa Pinoy Bloggers, kaya baka dun sa topic na yun ako mas mag focus. Pero syempre, hindi parin mawawala ang mga topics about blogging.
PinoyBlogero: Gagawa ka pa ba ng ibang blogs?
Karlo: Oo, may plano na akong gumawa ng isa pang blog. Isang podcast blog with my girlfriend, Janalie. Ididiscuss namin ang mga isyus that concerns Pinoys. Pero hindi muna ngayon, iintayin ko muna magka-momentum tong PinoyBlogero before ako magtatayo ng isa pang blog.
PinoyBlogero: Talga? Aabangan talga namin yan.
Karlo: Hahaha. Sige lang.
PinoyBlogero: Salamat sa iyong oras Ginoong Karlo Licudine. Marami kaming natutunan sa interview na ito.
Karlo: Maraming salamat din. Magandang exposure to for my blog.
PinoyBlogero: Oo nga. Thank you very much to everyone for tuning in to the Late Nite with PinoyBlogero. Next week we will be interviewing Osama Bin Laden and we will ask him if whether he was really the one behind the attacks on Karlo’s blog. Thank you everyone and goodnight!
*Applause*
*Outro music*
Karlo: Akala ko ba tagalog lang?






August 13th, 2008 at 6:17 pm
asdasdasd
June 18th, 2007 at 2:36 am
Hehe..great post! It’s both funny and entertaining.
June 14th, 2007 at 3:21 pm
Galing galing naman. Goodluck sayo. Kita mo nga naman nasa Hollywood ka na!
Pwede pa ba humabol at magpagawa ng feed button sayo?
June 14th, 2007 at 12:33 am
galing!
this is very creative..i lik the ideaa lot!