My professor in my Material Science and Engineering subject posted this on the the door of their faculty along with our computed tentative grades tallied on a spreadsheet. Instead of being disheartened by my tentative computed grade, I can’t help but snicker at the message that he left to his students which can be found below.
His writing style greatly reminds me of Bob Ong. Even the way he talks and the stories of his life that he recounts during class are similar to Bob Ong’s. I have been speculating ever since.
Nakatala sa ibaba ang inyong katayuan sa ating asignatura. Bigyang-pansin ang kolum na “NEED”, sapagkat ito ang kumakatawan sa iskor (%) na kailangan ninyong makuha sa huling pagsusulit upang kayo ay makakuha ng gradong tres (3).
Sa darating na linggo, ika-24 na Hunyo, sa ganap na ika-8 ng umaga, magaganap ang huling pagsusulit. Ito ang inyong huling pagkakataon upang bumangon sa inyong pagkakalugmok sa putik ng kabiguan. Ito ang huling balakid sa inyong inaasam na tagumpay. Ito ang huling sayaw sa musika ng MatSci.
Inaasahan kong darating kayo sa Huling Pagsusulit na handa sa laban. Dahlhin ninyo ang mga nararapat na sandata: 2 lapis, 2 bolpen, 2 kalkyuleytor, 1 ID, 1 katawan, at 1 utak. Huwag ding kalimutan kumain ng isang masaganang almusal, katulad ng pritong itlog, isdang daing, at sinangag na kanin. Higit sa lahat, huwag kalimutang humingi ng patnubay sa Maykapal.
LMADRIAGA
TENTATIVE COMPUTED GRADE
Name - Karlo Licudine
Need - 103%
Remarks - Malayo pa ang umaga
Malayo pa talaga ang umaga para sa akin. Wag ko sana makalimutan ang aking utak at katawan sa aking pagsusulit.






June 24th, 2007 at 12:55 pm
hey, wag nating kalilimutan:
“Basta’t tayo’y magkasama, laging mayroong umagang kay ganda.
Pagsikat ng araw, may dalang liwanag, sa ating pangarap.
wooooooooooooooah.
haharapin natin.
haharapin natin.
haharapin natin.
haharapin natin.
yeah, yeah.”
may pag-asa pa yan, Karlo. ^_^
June 24th, 2007 at 12:45 pm
GOODLUCK HONEY!! kaya mo yan!! kaw pa!! basta magaral mabuti (tama na muna ang pagbblog.. hahaha..) konting sacrifice lang para di mo na ulitin yung mseg next term.. love u muah.
June 23rd, 2007 at 9:55 pm
good luck !!!!!!!!!!!!!
nakakaloka naman iyang professor lmadriaga na yan.
remind lang kita ha? hwag kalimutan ang isang katawan at isang utak mwahahahahaha.
June 23rd, 2007 at 9:27 pm
Hi Karlo.
Ayan, mag-aral ka ng mabuti at wag kakalimutan ang mga sandatang kakailanganin sa araw ng pagusulit. Good luck.
Sana mag-offer ng online tutorials tungkol sa malikhaing pagsusulat sa wikang Filipino ang professor mo . Tiyak, isa ako sa mga mag-e-enrol sa subject na iyan… hehehe.