[Update: Sa mga naghahanap ng halimbawa ng talumpati, meron din dito --> Talumpati.]

Ang sulatin na ito ay layunin na makatulong sa mga estudyante na naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga iba’t-ibang aralin tulad ng Talumpati at iba pang uri ng panitikan


Napansin ko na marami na ang nanghihingi sa akin ng mga halimbawa ng mga talumpati para daw sa mga requirements sa iskwela. Natatandaan ko tuloy noong kinakailangan ko rin maghanap ng mga talumpati noong ako’y nagaaral pa. Grabe, sobrang hirap kayang maghanap kahit na meron ng internet. Feeling ko nga mas marami ang naghahanap ng mga maikling talumpati kaysa sa mahabang talumpati. At syempre mas gusto ng mga titser ng mga Tagalog na Talumpati dahil madali itong maintindihan.

Para naman maging madali ang inyong buhay ay napagpasyahan ko na maglagay nalang ng mga talumpati dito sa blog ko para mas madali. Pero bago ko ibigay sa inyo ang mga koleksyon ko ng mga talumpati, alamin muna natin kung ano ang talumpati.

Ano ang talumpati?

Ayon sa Wikipedia, ang talumpati ay…

isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

Ngayong alam na natin kung ano ang ibig sabihin ng talumpati eto na at bibigyan ko na kayo ng mga halimbawa nito,

Mga Halimbawa ng Talumpati

Ang ating unang halimbawa ng talumpati ay nanggaling kay Onofre Pagsanghan at ito ay tungkol sa kabataan.

Sa Kabataan

Onofre Pagsanghan

- I -

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot.” Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.

Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang “Tarzan” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

- II -

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

Marami pa akong mga talumpati na nakatago at ilalagay ko sila dito sa susunod na mga araw. Mahirap kasing maghanap ng mga talumpati. Kaya hanggang sa muli!

Listahan ng mga iba pang halimbawa ng talumpati:

Kung gusto nyong makatanggap ng mga bagong halimbawa ng talumpati sa inyong e-mail, ilagay nyo lang ang e-mail nyo gamit ang form sa ibaba. Papadalhan ko kayo ng paalala kapag may bago na akong nilagay na talumpati.

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Maghanap pa ng ibang talumpati! Gamiting ang search bar sa ibaba!


145 Responses to “Mga Halimbawa ng Talumpati”

Pages: « 119 20 21 22 23 24 25 26 27 28 [29] Show All

  • tnx sa talumpati……..

  • ganda ng talumpati..^_^

    thnx!!

    Lesters last blog post..Digital Filipino Web Awards Winners Announced

  • AMACU-CA

    bakit po grabehan ung talumpating ito???

    ang pangit po sa pandinig ang paulit ulit na mga salitang NABANSOT??

    bakit po ba?? bansot po b ung gumawa nito???

    ayoko po sanang sabihin ito sa inyo kso nga llng ang pangit tlga “SOBRAH”

    hindi lng po ang salitang NABANSOT kndi na rin sa MGA SALITANG….

    PUTIK, BUMABALUKTOT, TUMUTUWID, at marami pang iba

    sana ay mapaganda nyu pa poh ito

    at sana ay maging aral sa inyong gumagawa ng talumpati

    dhil ang talumpati ay ginagawa ng galing sa “PUSO” iyown lng po ang aking mungkahi salamat ng marami at mabuhay ang bagong kasal!!!

  • ako nga po pla si emdy!!

    ang imumungkahi ko lng po sana ay maging makabuluhan ang talumpating ginawa ninyo ayun lng po

    sana ay gayahin ninyo ang mga mggling na manunulat pra tayo ay umasenso

    ayown lng po bow wow…

  • okay…..lng nman poew xa ehhh….
    sna lng poew mdadagdagan pa poew ang mga ito dahil mraming mga nangangailangan nito upang
    mkapasa……
    salamat poew ng marami…
    wag nyo n lng pong intindihin ang sinbi nlang negative tulad n lng ginamit nio pong salita….lam q pong gnmit nio lng po ang tma upang mabigyan diin ang nais niong iphatid…..
    un lng po salamat poew ulit………!!!!!!!

  • Pages: « 119 20 21 22 23 24 25 26 27 28 [29] Show All