Posted by Karlo.PinoyBlogero on June 15th, 2007

Ito ay isang espesyal na handog ni Karlo Licudine, Ang PinoyBlogero, para sa paggunita ng araw ng kalayaan ng Pilipinas sa taong 2007. Ito rin ay kalahok sa paligsahan ng PinoyBlogoSphere.net na Kalayaan 2007. Kung nagustuhan nyo sana iboto nyo po ito. Vote for my article here!

Noong mga panahon na namumuno pa ang mga Kastila sa Pilipinas, mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pagsasalita ng masama laban sa kanila. Pinagbabawal din ang malayang pagiisip at ang mga ideyang radikal. Ginawa nila ito para madali nilang makontrol ang kanilang mga nasasakupan. Lahat ng lumalabag sa batas na ito ay dinadakip at pinaparasuhan. Oo, parang martial law.

Dahil dito ay napilitan ang mga Pilipino na magtikom ng bibig at manatiling tahimik sa loob ng tatlong daan na taon. Ngunit sa kabila ng katahimikan, hindi parin napigilan ng mga mananakop ang gumaganang kaisipan at mga nagbabagang damdamin na nakatago sa loob ng mga Pilipino.

Gamit ang time machine na aking naimbento, ako’y naglakbay sa taong 1898 at aking binigyan ng pagkakataon ang dalawang indibidwal na malayang makapagisip at makapagsalita sa pamamagitan ng pagblo-blog. Pagdating sa paguusap tungkol sa araw ng kalayaan, sila ang mas nakakalam ng tunay nitong kahulugan.

posthead01kn9 Paano Kaya Kung Naimbento Na Ang Blogging noong 1898? – An Independence Day Special
Pagkatapos ng ilang araw na pagpapagod, natapos narin nina Ate Lorenza, Ate Marcela, at Ate Delfina ang pagtatahi sa magiging pambansang bandila ng Pilipinas.

Pambansang bandila? Oo. Sila ang naataasan ni Emilio Aguinaldo na gumawa nito. Ang sabi nila sa akin, gagamitin daw ito sa nalalapit na pagproklama ng paglaya ng Pilipinas. Hindi ako makapaniwala, pero totoo raw iyon, walang etching.

Isa akong katulong sa tinutuluyan ng ng aking tatlong ate. Kinupkop ako at ipinalaki ng pamilya Agoncillo mula pagkabata, kaya sa kanilang pagpunta dito sa hongkong, ako rin ay kanilang pinasama. Lubos ko silang hinahangaan dahil hindi naging hadlang sa kanila ang pagiging babae para magawa ang kanilang mga gusto. Masasabi kong napamahal narin ako sa kanila.

Ilang araw lang ang nakararaan, mayroong biglang dumating na sulat. Galing ito sa Pilipinas. Ang nilalaman nito ay isang sulat ng kahilingan mula kay Emilio Aguinaldo.

Maganda ang kinalabasan ng bandila. Asul at pula ang nangingibabaw na kulay, asul sa itaas, pula sa ibaba. Pareho silang pahalang na dumaraan mula sa magkabilang dulo. Ang asul daw ay sumisimbolo sa kapayapaan habang ang pula naman ay ang katapangan.

Sa gilid nito ay may malaking puting tatsulok. Sa bawat kanto nito ay may tatlong bituin. At makikita mo sa gitna ng tatsulok ang isang kulay dilaw na araw na may walong sinag na kumakatawan sa walong pangunahing mga lalawigan ng Pilipinas.

Nagets mo ba? Teka, picturan ko na nga lang gamit ang cp ko para hindi na kayo mahirapan.

Ang ating opisyal na bandila

 

O ayan. Yan ang ating bandila. Ok ba?

Bukas na bukas din ay ipapadala na itong bandila sa Pilipinas. Mula HongKong papuntang Pilipinas ay aabutin na mahigit kalahating buwan na paglalakabay, kaya baka mga ika-11 pa ng hunyo ito makarating ng Pilipinas. Sana hindi ito mahuli.

Inimungkahi ko na magpaFedEx nalang, wag daw, masyadong daw mahal.

Nakakatuwa lang isipin. Biruin mo, isang bandila ang sisimbolo sa pagiging malaya ng Pilipinas. Simula pa noon, marami nang nagawang bandila ang mga Pilipino, lahat ito ginamit bilang tanda ng pakikipaglaban natin sa mga Kastila. Bawat grupo na kumakalaban meron sariling disensyo ng bandila, pero lahat sila ay iisa lang ang sinisimbolo.

Ngayon naman, iba na ang isisimbolo ng ating bandila. Hindi na ito galing sa galit at pakikipaglaban, kundi sa kapayapaan at kalayaan.

Sana sa bawat pagwagayway ng ating bandila ay hindi makalimutan ng mga susunod na henerasyon araw ng ating pagkalaya. Sana maalala nila ang mga taong lumaban para sa kalayaan natin. Ang mga taong nagbuwis ng buhay para sa karapatang naipagkait sa atin. Ang mga paghihirap at sakripisyo na ginawa ng kanilang mga ninuno.

Marahil gawa nga lamang nga ito sa tela, pero ito ay sumisimbolo sa pagiging malaya ng ating bansa. Pati pinaghirapan kaya ng mga ate ko yan! Dapat lang natin yan igalang!

——–

Maraming salamat nga pala kay ginoong Karlo Licudine at binigyan nya ako ng pagkakataon na mailabas ang aking saloobin. Grabe, inabot ako ng ilang araw para lang ilagay ang mga ito sa kompyuto, buti nalang tinuruan nya ako magtype. Salamat po!

posthead02dd7 Paano Kaya Kung Naimbento Na Ang Blogging noong 1898? – An Independence Day Special
Dumaan na ang isang linggo pero hindi parin dumarating ang pulutong ng aking kumpareng si Emilio. Magsisibaba na dapat kami mula sa pagbubundok namin dahil narinig namin ang balita na papalayain na raw ang Pilipinas mula sa pagkakaalipin ng mga Kastila (Oo, umaabot ang tsismis maging sa bundok).

Kasiyahan ang dulot sa amin nitong balitang ito. Hindi na namin kailangan mamundok pa. Hindi na namin kailangan magtago. Hindi na namin kailangan lumaban pa. Makakauwi narin kami sa aming mga pamilya.

Nagsibabaan na ang iba naming kasamahan, kami nalang ng aming grupo ang naiwan. Marami narin sa amin ang naiinip na, pero wala kaming magagawa. Kailangan namin hintayin si Emilio at ang kanyang pulutong. Ganyan talga sa grupo namin, walang iwanan. Samahang Alpha.

Baka nagtataka kayo, hindi ang sikat na si Emilio Aguinaldo ang tinutukoy ko dito sa aking kwento, malayong malayo ang kumpare ko sa kilalang tao na ito. Ang tinutukoy ko ay si Emilio Pereño, isang hamak na mandirigmang Pilipino na buong buhay nya ay lumaban para sa ikalalaya ng Pilipinas.

Bata palang siya ay natikman na nya ang kalupitan ng mga Kastila. Dinakip nila ang kanyang mga magulang nung siya’y musmos pa lamang. Nangulila sya at namuhay ng magisa sa kalye. Lumaki sya na may matinding galit sa mga kastila at idinaan nya ang kanyang galit sa pakikipaglaban sa mga ito at sa pagprotekta sa mga naapi.

Emilio Pereño - Ang hindi gaanong pambansang bayani

Ginuhit na larawan ni Emilio Pereño. Ako gumawa nyan! Photoshop!

Marami nang nagawa para sa bayan si pareng Emilio. Sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang. Ang mga peklat sa kanyang mukha at katawan ang nagisisilbing pruweba sa kanyang kagitingan.

Ang nakakalungkot lang dito ay walang kumikilala sa kanyang mga nagawa. Nakakaasar lang dahil mas sumisikat pa ang ibang taong walang ginawa at patayo-tayo nalang sa balkonahe. Porket may mataas na pamumuhay lang na natamo ay tinitingala na ng mga tao. (Ops, wala akong pinapatamaan dyan! Bato bato sa langit!)

Pano kaya kapag lumipas na ang ilang taon, kapag tuluyan ng malaya ang Pilipinas, mailalagay kaya kami sa libro at mababasa ng mga bata ang aming kagitingan? Kikilalanin kaya kami sa aming mga ginawang sakripisyo at paghihirap sa bayan? Maisasalpak kaya ang mga mukha namin sa harap ng pera ng Pilipinas?

Malamang hindi.

Ang tangi nalang namin konsolasyon sa aming mga nagawa ay ang aming pagiging ganap at tunay na Pilipino. Ang aming paglaban ang magsisilbing tanda ng pagmamahal namin sa bansa. Ito ang magsasabi sa amin at magpapatunay na kami nga ay tunay na Pinoy. Kahit na hindi na kami kilalanin, ok lang. Basta ang Diyos ang nakakaalam sa mga sakripisyong nagawa namin.

Teka, nasaan na kaya yung mga yon? Mga hindi pa kasi nagpa-load, e!

—-
Pareng Karlo! Astig talaga nitong blagging. Hehehe.. Pagkadating ni Emilio papakita ko agad sa kanya ito. Sigurado magugustuhan nya ito. Teka, ano bang gagawin ko para makapunta uli ako dun sa may mga iba’t ibang gumagalaw na larawan? Yung “Yu choob”? Salamat!

Wag nyong kalimutan magsubscribe sa aking palamunin (feeds).

Kung nagustuhan nyo ang aking gawa, sana suportahan nyo ito at iboto sa isang paligsahan ng PinoyBlogosphere.com. Dito po kayo bumoto! Maraming salamat at mabuhay ang mga Pilipino.


42 Responses to “Paano Kaya Kung Naimbento Na Ang Blogging noong 1898? – An Independence Day Special”

Pages: [9] 8 7 6 5 4 3 2 1 » Show All

  1. 42
    Macnerdz Says:

    ok na ok ang post na ito heheh. very interesting.

  2. 41
    TRayne Says:

    naman ke langan tlga sa mga hmework ku to amf ahahahahhahaha
    kung my mga reklqamo contact nio lng ako 09289051679

Pages: [9] 8 7 6 5 4 3 2 1 » Show All

Leave a Reply