Ang sulatin na ito ay layunin na makatulong sa mga estudyante na naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga iba’t-ibang aralin tulad ng Panitikan at iba pang uri ng likhang sining.
[Mga Bagong Dinagdag: Kahalagahan ng Panitikan, Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan]
Kahulugan ng Panitikan
Ano nga ba ang ibig sabihin ng panitikan? Ayon sa Wikipedia, ang panitikan ay…
… ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
Uri ng Panitikan
Mayroong dalawang uri ang panitikan, ito ay:
- kathang-isip – Mga gawa na hindi totoo at gawa gawa lamang.
- di kathang isip - Mga gawa na ukol sa mga totoong pangyayari, bagay, o lugar.
Mga anyo ng panitikan
Mayroong dalwang anyo ang panitikan, ito ay ang mga sumusunod:
- tuluyan o prosa
- patula o panulaan
Mga Halimbawai ng Panitikan
Maraming iba’t-ibang halimbawa ang panitikan. Ang nasa ibaba ay ilan lamang na mga halimbawa. Maari nyong i-click ang bawat isa para makakuha ng karagdagang impormasyon ukol dito.
- Pabula
- Sanaysay
- Talumpati
- Epiko
- Alamat
- Anekdota
- Nobela
- Parabula
- Maikling kwento
- Dula
- Talambuhay
- Balita
- kwentong bayan
- Awit at Korido
- Balad
- Sawikain
- Salawikain
- Bugtong
- Kantahin
- Tanaga
Magdadagdag pa po ako sa mga susunod na araw. Kaya bumalik lang po kayo dito.
Kahalagahan ng Panitikan
Marami ang humihingi sa akin ng tulong at nagtatanong kung ano ba ang kahalagahan ng panitikan. Sa totoo lang wala kayong mahahanap na tamang sagot sa internet ukol dito, pero pwede kayong magtanong sa ibang tao at doon nyo makikita ang kahalagahan nito.
Para sa akin, ang panitikan ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing salamin ng galing ng pinoy sa paglikha. Ito rin ang nagsisilbing sukatan kung gaano kayaman ang kultura ng isang bansa.
Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan
Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati natin nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
ANg panitkan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng kastila.
Sana ay nakatulong ito sa inyo!
Sana ay nakatulong sa inyo itong sulatin ko na ito. Kung nais nyo pa ng mas maraming halimbawa ng panitikan, pwede kayong mag-subscribe sa aking blog para matanggap nyo ang aking mga sulatin gamit ang E-mail. Iwan nyo lang ang mga e-mail nyo gamit ang form na mahahanap sa ibaba.
Enter your email address:
Delivered by FeedBurner
Pwede nyo rin gamitin ang search form sa ibaba para inyong madaling mahanap ang mga gusto nyong hanapin.














November 28th, 2009 at 9:37 am
nd poh aq satisfied sa kahulugan ng panitikan…may iba pa po bang karagdagan sa kahulugan nito?
December 5th, 2009 at 11:36 pm
ano ang naitutulong ng tula, epiko at tatlong salinlahing sa pagsubok sa larangan ng panitikan
February 14th, 2010 at 4:10 pm
ahm,pra po skin malaking tulong po ang panitikan ksi po marami tong naibabahagi sa aming mag-aaral………..
March 4th, 2010 at 4:35 pm
/.,.,.Xalamat poH ng Mrami.,.,.